January 08, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Bakit may sad?' Donnalyn Bartolome, nakaladkad ulit dahil sa back to work

'Bakit may sad?' Donnalyn Bartolome, nakaladkad ulit dahil sa back to work
Photo courtesy: Donnalyn Bartolome (FB)/Freepik

Tapos na ang mahabang holiday break, at isa-isa na ring nagsisibalik ang mga bakasyunista mula sa mga lalawigan, na binibiro pa nga sa bansag na mga "main character" dahil kumbaga, "back to reality" na ulit para sa trabaho at pag-aaral.

Kaya naman, muli na namang pinagdiskitahan sa social media ang nag-viral at kontrobersiyal na social media post ng social media personality at aktres na si Donnalyn Bartolome noong 2023, kung saan nagbigay siya ng saloobin kung bakit maraming "sad" o nalulungkot na back to work na agad.

Sa personal na karanasan at opinyon naman ni Donnalyn, masaya raw siya kapag back to work na lalo na sa unang araw ng New Year, dahil sa pamahiing kapag may trabaho sa unang araw, may trabaho rin sa buong taon.

"Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work," aniya.

Tsika at Intriga

Grace Tumbaga, 'unbothered' this 2026: 'Karma hits harder than revenge'

"If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikilig ka and sheet. Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!" aniya pa.

Kaugnay na Balita: Pahayag ni Donnalyn ukol sa balik-trabaho, umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens

Muli namang shinare ng ilang netizens ang screenshot ng nabanggit na post, kagaya na lamang sa Facebook page na "Follow The Trend Movement" o FTTM.

"never forgetti" mababasa sa caption ng post.

Photo courtesy: Screenshots from FTTM/FB

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ano ba Donnalyn?! Onting sense of humor nman… lighten up!!!"

"Nagwowork ako during Christmas eve and New Years Eve para wala kana masabi Donnalyn."

"Mag tatatlong taon na pala yung magmamana ng kumpanya. Go guys kaya natin to toxic positivity pa rin tayo."

"dati ang insensitive nito para sa akin pero ngayon gets ko na ang point hahaha dapat talagang maging grateful kasi may babalikan pa tayong work after major gastos."

"PAPASOK DIN NAMAN KAMI !!! gusto lang namin mag Drama! ito naman!"

"Shet bawal nga pala magreklamo. Buti pinaalala nyo to."

"Anong mali sa sinabi nya? She has a point."

"I mean in this economy??? May point naman si Donalyn! Insensitive and parang mockery nga lang yung pag deliver and tone nung post nya."

Samantala, kamakailan lamang ay pormal nang inanunsyo ni Donnalyn ang pagtigil niya sa paggawa ng vlog.

Kaugnay na Balita: 'There's no easy way to say this!' Donnalyn Bartolome, babye na sa vlogging