Usap-usapan sa social media ang kuhang video ng isang content creator na nagpapakita kay Unkabogable Star Vice Ganda habang nasa airport, at hinahabol para batiin subalit hindi niya mabanggit ang pangalan.
Sa kuhang video ni "Jessamine," makikitang hinahabol-habol niya si Vice Ganda habang kinukuhanan ng video, pero hindi niya masambit ang pangalan nito matapos na tila makalimutan.
Maririnig sa video, "Si ano 'to... artista ito, si ano 'to... uy... ito 'yong sikat na artista sa Pilipinas," saad ng content creator.
Makikita naman sa video na nagmamadali rin si Vice Ganda habang dala-dala ang mga maleta niya.
"Uuwi ka na ng Pinas? Happy New Year!" tanong pa ulit ng content creator.
Pabirong sagot naman ni Vice, habang bahagyang natawa, "Happy New Year po, hindi n'yo nga ako kilala ate eh."
"Hindi, basta nakikita kita sa TV eh," habol pa ng content creator, subalit maririnig na may nagsasabi nang "Tama na" sa kaniya, sa isa sa mga kasama ni Meme Vice.
Video courtesy: "Jessamine" via Jayson Remoroza (TikTok)
Makikitang tuloy-tuloy namang lumakad si Vice Ganda kasama ang iba pa.
Tila "minasama" naman daw ng nabanggit na netizen ang naging engkuwentro kay Vice Ganda.
Mababasa naman umano sa caption ng post, "Nakalimutan ko name ni Vice Ganda pero namansin pa rin kahit parang Nag tampo o galit. Ewan ko bakit nakalimutan ko name niya. EAT Bulaga ksi ang Pinapanood ko."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"I mean nakakaannoy naman si ate, hihihi, sowi."
"Baka na-starstruck kay VG."
"Ay kala ko humor lang yun. Sabi kase ng nagcomment eh."
"for the love of God, wag iassume na kilala si Vice ng lahat ng tao sa mundo. My parents are seniors are not fanatics of pinoy artistas. d rin nila kilala si Vice Ganda if sila lang not unless sabihan mo sila sino sya and then they know naman, this applies to all artistas coz they dont watch mainstream media. please guys, be kind."
"Ei ang suplada nman pla sa personal ni meme vice e."
"Magkaiba kasi ang KILALA sa nagkukunwaring HINDI KILALA. Actually kilala tlaga ng nagpost ginamit nya lang tlaga para sa Views/ pang clout nagawa nya pa nga MANG-ASAR sa caption nya 'EAT BULAGA KASI PINAPANUOD KO' so ibig sabihin kilala nya ang rival show which is MAIN HOST si Vice. Kasi kung hindi nya kilala bakit nya hahabolin at vi-videohan. Actually bawal yung ginawa nya, kaya pinapatigil sya mag video dahil nagmamadali sila kasi nasa airport at may hinahabol na oras. Kasi kahit si ANGELINA JOLIE pa yan, hindi ka pwedi lumapit at mag video kung wala kang permiso. Pwedi kang kasohan."
"Required pala na alam mo pangalan ng lahat ng celebrity sa pinas."
"Ikaw na nga ang annoying na nag-video at humabol pa, ikaw pa ang parang biktima?"
Samantala, isang blogger/social media personality naman na nagngangalang "Danico Ramos" ang nanimbang sa mga pangyayari, at shinare din ng mga netizen na kapareho ang pananaw sa kaniya.
"I honestly laughed at first when I watched this, pero nung pinanuod ko ulit kasama yung buong conversation, doon ko naintindihan kung bakit ganun yung reaction ni Vice," aniya.
Yung babae na nagvivideo kept saying, 'Si ano ‘to artista… si ano ‘to… oh my God, sikat na artista sa Pilipinas. Uwi ka na ng Pinas? Happy New Year,” habang sobrang lapit ng camera at tuloy-tuloy yung video. Vice responded calmly and even joked, 'Happy New Year po. Hindi niyo nga ako kilala, ate,' sabay tawa pa."
"Sasabihin ng iba na ma-attitude si Vice, pero if you really listen to the full exchange, wala namang masama sa sinabi niya. It was clearly said in a light, joking way. At least she still greeted the woman despite obviously being in a hurry. Hindi naman siya nagtaray, hindi siya nag-walk out, hindi siya bastos."
"Ang uncomfortable lang talaga is yung ginawa ni ate, like sinundan na nga siya with a camera, sobrang lapit pa, tapos yung post niya may caption pa na 'parang nagtampo o nagalit' si Vice. That’s unfair. Ikaw na yung walang boundaries, ikaw pa yung nagmukhang biktima sa kwento."
"Yes, celebrities are public figures, pero they are still human. May karapatan pa rin sila sa personal space. Hindi lahat ng pagkakataon ay content. Minsan respeto lang talaga ang kailangan."
Photo courtesy: Screenshot from Danico Ramos/FB
Samantala, as of this writing, ay sinasabing nag-delete na umano ng video ang nabanggit na content creator.
Wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Vice Ganda tungkol sa isyu.