January 24, 2026

Home BALITA

Pwersahang pagtanggal sa lider ng isang bansa, ikinabahala ni Sen. Imee

Pwersahang pagtanggal sa lider ng isang bansa, ikinabahala ni Sen. Imee
Photo Courtesy: Imee Marcos (FB)

Naghayag ng reaksiyon si Sen. Imee Marcos kaugnay sa sapilitang pagtatanggal ng lider mula sa isang bansa.

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Linggo, Enero 4, sinabi niyang may bitbit umanong nakakabahalang mensahe ang ganitong aksyon.

"Ang sapilitang pagtanggal ng isang lider mula sa isang bansa ay nagpapadala ng nakababahalang mensahe sa buong mundo—na ang umiiral sa pandaigdigang ugnayan ay kapangyarihan, hindi mga patakaran,” anang senadora.

Matatandaang dinakip ng hukbo ng Amerika ang Venezuelan President na si Nicolás Maduro at ang asawa nitong si Cilia Flores sa Caracas.

Metro

MMDA, dinepensahan traffic enforcer na pinagbintangang nagtatago sa kalsada

Kasunod nito ay inihayag ni Trump nitong Sabado (Linggo ng umaga sa Maynila) na pansamantalang pamumunuan ng Amerika ang Venezuela habang nakapiit ang dalawa.

Maki-Balita: Maduro at misis, kalaboso: Trump nagdeklara, US muna mamamahala sa Venezuela!