January 06, 2026

Home BALITA Internasyonal

Pilipinas, ‘closely monitoring’ sa sitwasyon sa Venezuela; nananawagang resolbahin isyu nang mapayapa

Pilipinas, ‘closely monitoring’ sa sitwasyon sa Venezuela; nananawagang resolbahin isyu nang mapayapa
Photo courtesy: Unsplash, MB


Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakaantabay ang bansa sa kasalukuyang sitwasyon sa bansang Venezuela.

Ito ay matapos ang ikinasang pag-aresto ng sandatahang lakas ng Estados Unidos sa Pangulo ng Venezuela na si Nicolas Maduro, kasama ang asawa niyang si Cilia Flores.

KAUGNAY NA BALITA: Maduro at misis, kalaboso: Trump nagdeklara, US muna mamamahala sa Venezuela!-Balita

“The Philippines is closely monitoring the evolving situation in Venezuela,” saad ni DFA Spokesperson Angelica Escalona sa isang pahayag.

Dagdag pa niya, “The Philippines urges concerned parties to resolve disputes through peaceful means, and to exercise restraint to prevent escalation of conflict.”

Sinabi rin niya na nagbaba na ng abiso ang embahada ng Pilipinas sa Bogota, at sinigurong handa silang tulungan ang mga Pilipinong naroroon.

“The Philippine Embassy in Bogota, which serves as non-resident mission for Venezuela, has issued a travel and safety advisory to Filipinos in Venezuela, and stands ready to provide assistance to them, as necessary and appropriate, to keep them out of harm’s way,” aniya pa.

Ayon kay US President Donald Trump, ang Amerika muna ang mamamahala sa bansang Venezeula, matapos ang aniya’y matagumpay na operasyon ng bansa upang maaresto si Maduro at Flores.

Ayon naman kay dating US Vice President Kamala Harris, ang aprehensyong isinagawa kay Maduro at sa kaniyang asawa ay nag-ugat dahil sa langis.

“The American people do not want this, and they are tired of being lied to. This is not about drugs or democracy. It is about oil and Donald Trump’s desire to play the regional strongman,” saad ni Harris.

MAKI-BALITA: Kamala Harris sa pag-atake ng US sa Venezuela: 'It is about oil!'-Balita

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakbakang US-Venezuela, paano nga ba nagsimula; may epekto ba sa Pilipinas?-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita