January 11, 2026

Home BALITA Politics

Pagkakawatak-watak sa politika, hindi matatapos sa 2026—Jay Costura

Pagkakawatak-watak sa politika, hindi matatapos sa 2026—Jay Costura
Photo Courtesy: Screenshots from Aiko Melendez (YT)

Nagbigay ng prediksyon ang psychic at “Asia's Nostradamus” na si Jay Costura kaugnay sa pampolitikang kalagayan ng Pilipinas sa 2026.

Sa latest episode ng vlog ng actress-politician na si Aiko Melendez noong Sabado, Enero 3, inusisa niya si Jay kung mananatili bang watak-watak ang mga politiko kahit napalitan na ang taon.

“I can say, yes,” sabi ni Jay. “Hindi talaga matatapos ang division ng politics. Kasi nando’n ‘yong hunger ng iba sa power, especially ‘pag nandiyan na ‘yong money. Hindi pa talaga siya matatapos.

Dagdag pa niya, “Mas magulo ang 2026 because of the element of the fire and the horse. Ang horse kasi mabilis. Tapos malakas din kasi ang horse.”

Politics

Congressmeow, 'di raw pipirma sa panibagong impeachment case laban kay VP Sara

Kaya naman nakikita umano ni Jay na magiging matindi ang labanan sa politika para sa taong 2026.

“Kailangan mabilis ang kilos. Kasi ‘pag hindi, naku! Maraming magaganap, especially mga eruption ng mga volcanoes. Paghandaan din natin ‘yan,” anang psychic. 

Samantala, matatandaang halos ganito rin ang nakikita ng fortune teller na si Rudy Baldwin sa sakunang posibleng dumating sa 2026.

Ayon kay Rudy, “‘Yong ating taong 2025 is taon ng the Biblical year. Ngunit itong taong 2026 is a year of fear. So, ibig sabihin po no’n, ito ‘yong taong 2026 ay taon ng mabagsik na apoy, tubig, at dugo.”

“Sa madaling salita, nabubuhay na naman ang bloody year,” dugtong pa niya.

Maki-Balita: Rudy Baldwin sa magiging pinsala ng kalamidad sa 2026: ‘Maraming buhay ang mawawala’