Inihayag ni Kapamilya singer-actress Maymay Entrata ang nararamdaman ngayong nasa relasyon na ulit siya.
Sa eksklusibong panayam ng PUSH ABS-CBN kamakailan, sinabi ni Maymay na bagama’t nakakapanibago, masaya umano siya sa kaniyang bagong pag-ibig.
“Nakakapanibago naman po. Ako siyempre dalawang taon din pero happy po ako na ako lang po pero siguro po noong bliness ako ni Lord ng someone na parang ako raw pero boy version,” saad ni Maymya.
Dagdag pa niya, “Sobrang supportive niya po na every month siya pumupunta dito na after trabaho niya pupunta siya rito. Nakabase po kasi siya sa US.”
Matatandaang Oktubre 2025 nang maisapubliko ang relasyon nina Maymay at Filipino-American commercial model Joaquin Enriquez.
Maki-Balita: Maymay Entrata, nakabingwit ng bagong pag-ibig
Pero bago pa man dumating sa buhay ni Maymay si Joaquin, ilang taon din niyang nakarelasyon si Aaron Haskell.
Nalantad sa publiko ang relasyon nila noong Pebrero 2022 ngunit naghiwalay din noong Abril 2024.
MAKI-BALITA: Amakabogera! Maymay Entrata, ipinakilala ang kanyang non-showbiz boyfriend