Muling nagkita-kita ang tinaguriang “Kuya’s Angel” na sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, at Bianca Gonzalez para sa special episode ng Toni Talks.
Sa latest episode ng nasabing online talk show nitong Linggo, Enero 4, sinabi ni Toni na ang makasama sina Bianca at Mariel ang pinakamagandang regalong natanggap niya.
“Happy new year. Ito ang isa sa mga pinakamagandang regalong natanggap ko, ang makasama ko ang dalawang [orignal] Kuya’s Angel. Bianca and Mariel,” saad ni Toni.
Dagdag pa niya, “Nanood kami ng Backstreet Boys, nag-reunion sila. Nag-reunion ang 98 Degrees, nag-reunion ang Sexbomb. [...] After Sexbomb, Kuya’s Angel nag-reunion din.”
Ayon kay Toni, matagal na raw humihirit ang fans para sa reunion nilang tatlo.
“Pero this is something that we’re going to make it worth the wait,” ani Mariel.
Sey tuloy ni Bianca, “Nakaka-pressure.”
Matatandaang 2016 pa noong huling lumabas ang tatlo nang magkakasama on-screen. Ngunit noong Hunyo 2025, muli silang nagkita-kita sa isang restaurant.
KAUGNAY NA BALITA: 'Kuya's Angels' muling nag-bonding
Bukod dito, naispatan din silang magkasama sa ginanap na birthday party ni Linggit Tan, kilalang managing producer sa ABS-CBN.
KAUGNAY NA BALITA: PBB original hosts: 'Kuya's Angels,' nag-reunion