Natawa na lang si Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla nang ipakilala ng radio program hosts ng "Executive Session" ng DZRH noong Sabado, Enero 3, sa kabila ng pagkalat ng mga bali-balitang isinugod siya sa ospital kaya hindi raw siya napagkikita noong nagdaang holiday break.
Halos wala namang tigil sa kakatawa ang kaniyang anchors na sina Jonathan dela Cruz, Paolo Capino, at Sen. JV Ejercito, nang ipakita na siya.
Sey pa ni Boying, marami raw ang nagte-text sa kaniya para alamin ang totoo tungkol sa kaniyang pagkakaospital, na sinegundahan naman ni Sen. JV.
Nagbiro pa si Jonathan na kurutin siya para makasiguradong siya nga si Boying at hindi gawa ng Artificial Intelligence o AI.
Sinabi pa ni Remulla na nanggaling pa siya sa gym upang mag-workout bago nagtungo sa estasyon.
Kaya sabi ni Jonathan, nakikita na raw ng mga tagasubaybay nila ang Ombudsman at pinasinungalingan ang pagkakaospital nito.
Matatandaang nauna nang nagbahagi ng selfie si Capino kasama si Boying habang ginagawa nila ang programa.
"Grabe ka na 2026! with Ombudsman Boying Remulla," mababasa sa caption ng post.
Isang netizen naman ang nagsabing hindi raw "AI" o gawa sa artificial intelligence ang nabanggit na larawan.
"Hindi AI yan PAO saksi ako hahahaha," mababasa mula sa komento ng netizen.
Kaugnay na Balita: Nakangiti pa! Ombudsman Boying Remulla hindi AI, buhay na buhay