Tila hindi maalis-alis ang udyok ng politika kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Sa latest episode kasi ng vlog ni actress-politician Aiko Melendez noong Sabado, Enero 3, sinabi ni “Asia's Nostradamus” Jay Costura na nararamdaman umano niyang papasukin ni Dingdong ang politika sa mga susunod na taon.
Aniya, “I can feel. Kasi nakikita ko sa aura niya nando’n ‘yong natural na servant siya, e.”
“So sa nakikita ko talaga mayro’n siyang career line or nagdo-draw ang energy niya sa politics these coming years,” dugtong pa ni Jay.
Matatandaang bago pa man ang filing ng certificate of candidacy (COC) noong 2024 ay kasama ang pangalan ni Dingdong sa ilang lumutang na kakandidato umano para sa 2025 midterm elections.
MAKI-BALITA: Pagtakbo ni Dingdong Dantes bilang senador, matutuloy nga ba?
At noong Nobyembre 2025, muling napag-usapan ang posibleng pagtakbo niya bilang senador.
Ito ay matapos ianunsiyo na magiging bahagi siya ng dokumentaryong tatalakay sa ghost projects ng gobyerno na pinamagatang “Broken Roads, Broken Promises.”
Maki-Balita: Pagtakbong senador ni Dingdong Dantes, muling umugong!
Samantala, tila bukas naman ang misis ni Dingdong na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa posibilidad na ito para sa kaniya.
Maki-Balita: Dingdong, susuportahan ni Marian kapag pumasok sa politika?