January 06, 2026

Home BALITA National

‘Fake News Alert!’ DepEd, nilinaw na sa Enero 5 pagbabalik sa klase, hindi sa Enero 12

‘Fake News Alert!’ DepEd, nilinaw na sa Enero 5 pagbabalik sa klase, hindi sa Enero 12
Photo courtesy: DepEd Philippines (FB)

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na sa Lunes, Enero 5, ang opisyal na pagbubukas ng mga klase, at hindi sa Enero 12, na kumakalat sa ilang social media pages kamakailan. 

“Mga Ka-DepEd, ang opisyal na resumption of classes ay sa Enero 5, 2026, Lunes, alinsunod sa DepEd Order No. 15, s. 2025,” pahayag ng DepEd nitong Linggo, Enero 4. 

Ani pa ng ahensya, fake news ang anumang post na nagsasabing extended ang Christmas break at sa Enero 12 pa ang balik sa mga eskwelahan. 

Kaya paalala ng DepEd sa publiko, maging mapunuri sa mga impormasyong nakikita online, at iwasang magbahagi ng maling balita at sumangguni lamang sa official accounts ng DepEd Philippines para matiyak na tama at napapanahon ang anunsiyo. 

National

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo

Sean Antonio/BALITA 

Inirerekomendang balita