January 06, 2026

Home BALITA National

Castro rumesbak kay Pulong: 'Kung nandito ka lang lagi, uma-attend ng sesyon, 'di ka maliligaw!'

Castro rumesbak kay Pulong: 'Kung nandito ka lang lagi, uma-attend ng sesyon, 'di ka maliligaw!'
Photo courtesy: RTVM/YT, MB


Pinalagan ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ang mga pahayag ni Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte hinggil sa ₱6.793T national budget para sa taong 2026.

Kaugnay ito sa botong “No” ni Cong. Pulong sa 2026 General Appropriations Bill (GAB), na siyang niratipikahan ng Senado noon pang Lunes, Disyembre 29, 2025.

“I voted NO on the FY 2026 General Appropriations Bill because I cannot, in good conscience, support a budget riddled with unanswered questions, uneven allocations, and questionable insertions,” saad ni Pulong.

MAKI-BALITA: Rep. Pulong, nag-'no' sa 2026 General Appropriations Bill-Balita

“Hindi po ba, itong si Cong. Pulong [Duterte] ay nasa abroad? December 15 to February 22 yata ‘yong kaniyang biyahe, ‘di ba?” ani Usec. Castro sa kaniyang YouTube vlog kamakailan.

Saad pa niya, “Ito lang, kung nasa abroad siya, tanong natin, may time ba siyang aralin ito? ‘Di ba ‘yan nga ‘yong ibang reklamo sa kaniya ng iba niyang mga kasamahan? Sinasabi na ‘kung nandidito ka lang lagi, uma-attend ka ng sesyon, mga hearing, hindi ka maliligaw kung ano ang usapin’.”

Matapos nito, nagkomento rin ang press officer kaugnay naman sa pondo ng bansa sa ilalim ng administrasyon ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hindi ko alam kung sila ba ‘yong tao na dapat na nagsasalita about this? E tandaan natin, noong panahon ng kaniyang ama bilang Pangulo, e siya ay nabigyan ng ₱51 billion na allocations para sa Davao,” anang press officer.

“Parang ang dating is—‘o ito, itong budget na ito nanakawin lang din’—e hindi ba, ang tatay niya ang siyang umamin na korap siya at nagnanakaw sa pondo ng bayan? Kailan kaya nagsimula ‘yong pagnanakaw ng kaniyang ama sa pondo ng bayan? Noong bata pa ba sila?” dagdag pa niya.

Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita