January 24, 2026

Home BALITA Internasyonal

‘Be mindful!’ PH Embassy, nagbaba ng abiso para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Venezuela

‘Be mindful!’ PH Embassy, nagbaba ng abiso para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Venezuela
Photo courtesy: AP photo via MB, Philippine Embassy in Colombia (FB)

Nagbaba ng ilang paalala ang Embahada ng Pilipinas para sa mga Pinoy sa Venezuela, bunsod ng kasalukuyang mga kaguluhang nagaganap sa bansa. 

Unang paalala ng embahada ay ang pananatili sa loob ng bahay at alerto, at pag-iwas sa mga sitwasyon na posibleng magdulot ng kapahamakan.

“Be mindful of your personal safety and avoid situations with perceived risk. Stay indoors and identify safe spaces for refuge,” saad ng embahada. 

Ipinaalala rin ng embahada sa mga Pinoy na manatiling updated sa mga pangyayari at ugaliin na palaging i-check ang Filcom WhatsApp group. 

Internasyonal

Pinakamatandang 'drawing sa kuweba,' natagpuan sa Indonesia

“Monitor important news updates from credible and reliable sources. Keep in touch with fellow Filipinos and check the Filcom WhatsApp group regularly,” pangalawang paalala ng embahada. 

Panghuli, pinatitiyak ng embahada sa mga Pinoy na updated ang kanilang contact information na isinumite rito, tulad ng pangalan, address, mobile number, at email address. 

Para sa mga katanungan at pangangailangan, mangyari lamang na makipagtulungan sa embahada gamit ang mga sumusunod na detalye: 

Email Address: [email protected] 

WhatsApp: +57 310 753 7926 o +57 310 396 6319

Facebook: facebook.com/phincolombia 

Matatandaang dinakip ng hukbo ng Amerika ang Pangulo ng Venezuela na si Nicolás Maduro at asawa nitong si Cilia Flores sa Caracas, ayon kay US President Donald Trump, pansamantalang pamumunuan ng Amerika ang Venezuela habang nasa piitan ang lider nito. 

MAKI-BALITA: Maduro at misis, kalaboso: Trump nagdeklara, US muna mamamahala sa Venezuela!

Ang pag-atake ng US sa Venezuela ay mariing kinondena ni dating US Vice President Kamala Harris, at sinabing hindi droga o demokrasya ang motibasyon sa likod nito. 

“The American people do not want this, and they are tired of being lied to. This is not about drugs or democracy. It is about oil and Donald Trump’s desire to play the regional strongman,” ani Harris.

MAKI-BALITA: Kamala Harris sa pag-atake ng US sa Venezuela: 'It is about oil!'

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakbakang US-Venezuela, paano nga ba nagsimula; may epekto ba sa Pilipinas?

KAUGNAY NA BALITA: Sana oil! Bakit interesado si US Pres. Donald Trump sa langis ng Venezuela?

Sean Antonio/BALITA