Naitala ng Department of Science and Technology (DOST) - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila nitong umaga ng Linggo, Enero 4.
Ayon sa DOST-PAGASA, 6:00 AM nang maitala ang 20.7°C sa Science Garden, Quezon City.
Iniulat rin ng ahensya ang patuloy na paglamig ng panahon sa mga susunod pang linggo bunsod ng pag-ihip ng Amihan.
MAKI-BALITA: 'Mas lalamig!' Temperatura, posibleng bumaba ng 7.9°C
Naitala naman ang record-breaking na na 9.6°C, sa La Trinidad, Benguet, noong Disyembre 30, na pinakamababang temperaturang naitala sa Amihan season ng 2025-2026.
MAKI-BALITA: ‘Grabeng lamig!’ Temperatura sa Benguet, patuloy pagbagsak sa 9.6°C
Sean Antonio/BALITA