January 06, 2026

Home BALITA National

Walang bago sa Bagong Taon? Kitty Duterte, sinabi kung paano nagdiwang si FPRRD ng New Year

Walang bago sa Bagong Taon? Kitty Duterte, sinabi kung paano nagdiwang si FPRRD ng New Year
Photo courtesy: Alvin & Tourism (FB), BALITA FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ni Veronica “Kitty” Duterte kung paano raw ipinagdiwang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Bagong Taon sa The Hague, Netherlands. 

Ayon sa isinapublikong video ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate sa kaniyang Facebook page na “Alvin and Tourism” sa kaniyang Facebook page noong Biyernes, Enero 2, na panayam niya kay Kitty, sinabi ng dating presidential daughter na umikot lang sa simpleng pagkain, tulog, at nood ng telebisyon ang ginawa ni FPRRD sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

“Walang bago sa kaniya. He’s a man of habit. I asked him the exact same question a while ago. He said, ‘wala, tulog-kain-TV.’ ‘Yon ‘yong kasiyahan niya,” sagot niya. 

Bago nito, nauna nang nagbigay ng update si Kitty sa publiko at mga tagasuporta ng pamilya nila ang pagbati ni FPRRD ng maligayang Pasko at masayang Bagong Taon. 

National

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo

“Tatay Digong sends his message to everyone—every Filipino here today. Merry Christmas and Happy New Year,” aniya. 

Ani Kitty, hindi rin daw inaasahan ng dating Pangulo na may bibisita sa labas ng International Criminal Court (ICC) Detention Center sa The Hague dahil na rin sa holiday season. 

“At first, he thought that no one will be here because, again, it is a holiday. But I told him, ‘no, people come there almost every time.’ ang he’s happy to hear that,” kuwento niya. 

Pagpapatuloy pa ni Kitty, masaya naman daw ang pagdiriwang niya ng Bagong Taon ngunit hindi pa rin iyon kumpleto dahil wala ang kaniyang ama na si FPRRD. 

“It was a very happy New Year. still incomplete because of my father's absence but still happy and I’m still feeling blessed,” pagbabahagi pa niya. 

Bukod pa dito, ikinuwento rin niyang nagawa naman niya ang lahat ng plano niya noong 2025 at balak niyang mas maging mabuting bersyon pa ng kaniyang sarili sa taong 2026. 

“Luckily and fortunately, all of my goals for 2025 [ay] nagawa ko naman—sa awa ng Diyos. Maybe for 2026, I just pray to be a better version of myself,” saad niya. 

“Stronger, fiercer for my family,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Kitty Duterte may mensahe sa kaniyang greatest, truest love na si FPRRD

MAKI-BALITA: 'It's always been my biggest dream to birth my own little Rodrigo'—Kitty Duterte

Mc Vincent Mirabuna/Balita 

Inirerekomendang balita