Tila na-back-to-you ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang mamamahayag na si Mon Tulfo nang tanungin niya ito hinggil sa maselang bahagi ng katawan.
Sa isang episode ng “TnT Podcast: Tito Mon and Torney Clint” kamakailan, diretsahang inusisa ni Tulfo ang kasarian ni Guanzon.
Aniya, “This is a personal question: Are you a lesbian?”
“You’re not allowed to ask that to me,” ani Guanzon. “Because I might, I just have to ask: How many inches is your penis?”
Hindi tuloy napigilang matawa ni Tulfo sa tanong ng dating komisyoner.
“He’s gonna have a heart attack,” sabi pa ni Guanzon nang hindi pumapalya ang hagalpak ni Tulfo.
Gayunman, hindi sinagot ni Tulfo ang tanong sa kaniya ni Guanzon. Sabi na lang ng huli, “Next question!”
Kasama ni Tulfo sa podcast na ito si Atty. Clint Aranas kung saan nila tinatalakay ang mga napapanahong isyu sa bansa.
Umeera ang programa tuwing Lunes mula 11:30 a.m.hanggang 12:00 p.m.