Ready na ba sa rAWnd 3 ang mga pinalaki ng Sexbomb!
Nakatakda ang muling paghataw ng OPM girl group at powerhouse, Sexbomb Girls sa darating na Pebrero 6, matapos ang nauna nilang sold out concerts noong Disyembre 2025.
Inanunsyo ng Sexbomb Girls leader at aktres na si Rochelle Pangilinan sa kaniyang social media noong Biyernes, Enero 2, ang mas pinabonggang “The Sexbomb Girls Concert rAWnd 3” sa MOA Arena.
“rAWnd 1 was a hit. rAWnd 2 was a blast. Saving the best for last. rAWnd 3 — GET, GET, AW The SEXBOMB CONCERT,” ani Rochelle.
Bilang dagdag-pasabog, ang kanilang rAWnd 3 concert ay gagawin na sa 360-degree stage, para matiyak na nasaan man sa venue, mas malapit sa performance, at may center row experience.
“Now on a 360° stage — so lahat ng seats, center row ang experience. Mas malapit. Mas ramdam. Mas marami,” aniya pa.
Kaya ganoon na lamang ang pag-apaw ng excitement ng kanilang fans na tiyak makikihataw sa darating na “rAWnd 3 the finale.”
“Yey!!! OMG. SANA MAKABILI AKO TICKET. GRABE NAUBUSAN AKO NUNG 2 EVENTS HUHU. MAMA Rochelle Pangilinan, SEEEYOOOOU!!!!”
“Selling na baaaa!????”
“Pasabog yung 360 stage! Ang generous niyoooo! Abangers sa ticket details.”
“Hindi ko na papalampasin tooooo ”
“PASAVOOOG!! I REREADY KO NA BOOTS KO NA HANGGANG BEWANG WHAHAHAHAA”
Matatandaang lubos ang naging pasasalamat ni Rochelle sa fans nila matapos ang kanilang naging successful at sold out concerts noong Disyembre 4 sa Araneta Coliseum at Disyembre 9 sa MOAR Arena.
“There’s something I’ve been wanting to say—para sa inyo. Sa mga pinalaki ng SexBomb. Sa mga sumasayaw sa sala, sa mga nanonood pagkatapos ng klase, sa mga kabisado ang steps kahit hindi pa uso ang tutorial videos…kayo ang backbone namin,” pasasalamat ng dancer sa social media niya.
Binanggit din niya na bagama’t noong una’y walang producer ang gustong mag-produce ng concert nila, itinuloy pa rin ng Sexbomb, hindi para pagkakitaan ng pera, ngunit bilang pasasalamat at regalo sa fans nila.
“When we decided to do this concert, aminado kami—sumugal kami. Walang gustong mag-produce. Walang kasiguraduhan. Pero tinuloy namin… kasi hindi naman pera ang hangad namin. Ang gusto lang namin ay makabawi, makapagpasalamat, at mabigyan kayo ng isang regalo na karapat-dapat sa inyo,” ani Rochelle.
MAKI-BALITA: 'Maraming salamat for growing with us!' Rochelle hinandog 2-day concert para sa mga 'pinalaki ng Sexbomb'
Sean Antonio/BALITA