January 04, 2026

Home BALITA Metro

Ospital sa Makati, kulang ng blood supply, nananawagan ng agarang blood donors

Ospital sa Makati, kulang ng blood supply, nananawagan ng agarang blood donors
Photo courtesy: Makati Medical Center (FB)

“Let's give the gift of life as we usher in the new year,” ito ang panawagan ng isang ospital sa Makati City simula nitong Sabado, Enero 3, dala ng kakulangan sa kanilang blood supply. 

Sa kasalukuyan, nakabukas ang mga pulang ilaw sa gusali ng Makati Medical Center bilang panenyas sa publiko na nananawagan sila ng agarang blood donors para punan ang mababa nilang blood supply. 

Ayon sa ospital, sa isang blood donation, makakapagligtas na ito ng tatlong buhay. 

Kaya panawagan nila sa pupuntang donors na magtungo sa MakatiMed Blood Bank, sa 2F, Tower 2, mula Lunes hanggang Linggo, 8:00 AM  hanggang 10:00 PM. 

Metro

Pagbabasbas sa mga replika at imahe ng Poong Hesus Nazareno, gagawin ngayong Enero 3

Sean Antonio/BALITA