Pinabulaanan ng kampo ng negosyanteng si Philip Laude ang mga paratang na sangkot umano siya sa mga ilegal na gawain.
Sa latest Facebook post ng misis niyang si Small Laude nitong Sabado, Enero 2, mababasa ang buong pahayag ng Divina Law hinggil sa kaso ng kanilang kliyente.
"We categorically and unequivocally deny any insinuation that Philip Laude has ever been involved in any illegal activity, whether by himself or in collaboration with any other person," saad sa pahayag.
Bukod dito, iginiit din nilang wala umanong korporasyong nabuo sa pagitan ni Philip at ACT-CIS Rep. Edvic Yap.
Anila, “Prior to Mr. Yap's election to public office, Mr. Yap merely invited Mr. Laude to consider investing in a proposed joint venture.”
“That discussion was preliminary and exploratory and never ripened into a formal partnership, corporation, or other juridical entity,” dugtong pa ng kampo ni Philip.
Samantala, ugnay naman sa proposed joint venture ng dalawa, nagbukas umano ng bank account si Edvic noong pribadong indbidbwal pa lamang ito.
“The opening of the account was lawful and undertaken solely in contemplation of a potential private business venture,” paliwanag ng Divina Law.
Matatandaang isa si Edvic sa mga kongresistang sangkot sa maanomalyang flood control projects. Sa katunayan, kabilang siya sa mga pinatawan ng freeze order. mula sa Court of Appeals
Maki-Balita: Court of Appeals, mamatahan bank accounts, air assets ng ilang kumpanya, indibidwal—PBBM