Pinagtibay ng Korte Suprema ang pgpapawalang-bisa sa kasal ng mag-asawa dahil sa umano’y “psychological incapacity” ng misis na nagbubunsod ng pagiging “controlling” at “demanding” nito sa mister.
Batay umano sa 14-page decision na may petsang Agosto 2025, ang initial na petisyon ay inihain ng lalaking asawa noong 2003.
Ayon sa lalaki, lagi umanong inaalam ng misis niya ang kaniyang kinaroroonan at inaakusahan din siya nito na may relasyon sa nanay niya.
Bukod dito, pinipisikal din umano siya nito at inaabuso sa berbal na paraan.
Binanggit ng korte na na-diagnose na may "Narcissistic Personality Disorder with paranoid features” ang misis ng lalaki. Malubha rin umano ang psychological incapacity nito para gumanap sa obligasyon bilang asawa.
Ngunit depensa ng babae, inaabuso umano ng lalaki ang mga anak nila sa pisikal, sekswal, at berbal na paraan.
Kinuwestiyon din niya ang medical diagnosis ng korte na nakabatay umano sa mga biased na pahayag ng kaniyang mister.
Sa huli, nagpagpasyahan ng Korte Suprema na walang merito ang petisyon ng babae. Ibinasura ito at ibinalik ang kaso sa Pasig Regional Trial Court para sa pagtukoy ng support pendente lite at distribusyon ng mga propyedad na kapuwa pag-aari ng isa’t isa alinsunod sa Family Code.