Nagbigay ng payo si showbiz insider Ogie Diaz kay TV host Willie Revillame matapos ang panenermon naman nito sa bagong programang “Wilyonaryo.”
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Enero 2, napag-usapan ang ilang reaksiyon ng mga netizen sa panenermon ni Willie.
“‘Yong iba iniisip na ‘yan, e. Na parang feeling ni Willie, ‘Dito ako naba-viral, a. Kaya maggagalit-galitan ako oncam,’” saad ni Ogie.
“Pero sa totoo lang,” pagpapatuloy niya, “consistent naman si Willie do’n. Lagi siyang nagagalit ‘pag hindi nasusunod ang gusto niya.”
Dagdag pa ng showbiz insider, “Pangalawa, dapat daw hindi na pinapairal ni Willie ang init ng ulo oncam. Kasi siyempre, ang feeling ng mga tao, nagkakaroon ng impresyon na porke swelduhan sila, gaganunin mo sila on-air?”
Kaya pinayuhan ni Ogie ang TV host na kumuha ito ng mga kagaya nitong makakasundo sa trabaho.
“Para alam nila ‘yong dynamics mo,” paliwanag niya, “‘yong routine mo. Kasi ang hirap niyan na bago ‘yan sa paningin mo tapos magagalit ka. Tapos ‘pag ‘di nasunod [ang gusto mo] tatanggalin mo.”
“E, ang bilis pang magtanggal ng tao ni Willie,” dugtong pa ni Ogie.
Matatandaang pinag-usapan na naman noong Disyembre 2025 ang lumutang na video clip ni Willie kung saan makikita ang paninita niya sa staff ng “Wilyonaryo.”
Maki-Balita: Ayaw paawat? Willie Revillame, nanermon na naman habang nakaere!