Nagpaabot ng pakikiramay ang Embahada ng Pilipinas sa mga nabiktima ng kamakailang sunog sa Switzerland at tiniyak na nakaantabay sila sa mga Pinoy na naapektuhan ng insidente.
“The Philippine Embassy in Berne is deeply saddened by the traffic fire incident that occurred at Le Constellation bar in Crans-Montana, Switzerland on 01 January 2026 during New Year’s Eve celebrations, resulting in the loss of around 40 lives and injuring more than 115 others,” saad ng Embahada sa kanilang pahayag noong Biyernes, Enero 2.
Sa kasalukuyan, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Embahada sa mga awtoridad sa Switzerland para makakalap ng mga impormasyon hinggil sa mga nabiktima at pamilya ng mga ito.
“The Embassy is closely monitoring the situation and has been in contact with the relevant Swiss authorities, who have set up a hotline for victims and their families at +41 848 112 117,” ani ng Embahada.
Hinihikayat naman ng Embahada ang mga residenteng Pinoy na posibleng naapektuhan ng sunog o may impormasyon sa mga kaanak na maaaring naapektuhan ng insidente, na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad.
“Filipino citizens in Switzerland who may have been affected or who have information about relatives possibly involved in the incident are urged to contact the Embassy via the Assistance-to-Nationals Hotline at +41 79 123 4567 (available 24/7) or by email at [email protected],” abiso ng Embahada.
Tiniyak din ng ahensya na nakaantabay ito sa mga pangunahing pangangailangan ng mga residenteng Pinoy sa bansa.
“The Embassy stands ready to extend all necessary assistance to Filipino nationals in need,” dagdag pa nito.
Sa kaugnay na ulat, nauwi sa trahedya ang selebrasyon ng bagong taon sa Le Constellation bar sa Crans-Montana, Switzerland, nang sumiklab ang sunog dito noong Huwebes, Enero 1.
Base sa mga ulat at imbestigasyon ng Swiss authorities, posibleng nagmula ang sunog sa sparklers sa mga bote ng champagne na nakapuwesto malapit sa kisame ng bar.
Ayon sa Swiss President na si Guy Parmelin, ang insidente ang “"one of the worst tragedies" na nangyari sa kanilang bansa.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang masusing imbestigasyon para mapangalanan ang lahat ng nabiktima ng nasabing sunog, na kumitil sa tinatayang 40 katao.
Sean Antonio/BALITA