Binasag na ni Kapuso Sparkle artist ang real-score sa pagitan nila ng kapuwa niya ex-Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si Bianca De Vera.
Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, inamin ni Dustin na nahulog ang loob niya kay Bianca matapos usisain kung sino sa mga houseamte ang naging pinakamalapit sa kaniya.
“Ang daming napagsamahan inside, e. Siya rin ang nag-open sa akin ng different perspective. Lagi kong sinasabi, first time ko maka-meet ng tulad ni Caca. Iba siya, e,” saad ni Dustin.
Usisa tuloy ni Karen, “Na-inlove ka sa kaniya.”
Natawa muna si Dustin bago nakasagot. “Alam naman ng lahat ng tao na napahanga ako ni Caca.”
“Pero you do? Na-inlove ka sa kaniya?” sundot ulit ng Kapamilya broadcast-journalist
Sagot ni Dustin, “Oo naman, Miss Karen. Hindi ko naman ‘yon maitatanggi.”
Pero sa ngayon, wala pa raw silang relasyon. Hindi rin masabi ni Dustin kung nililigawan ba niya si Bianca.
“Ano kami ngayon, friends,” anang aktor.
Sa kabila nito, naging mas malapit naman daw sila ngayon ni Bianca matapos nilang makalabas sa Bahay ni Kuya lalo pa ngayong nagka-movie na sila together.
Matatandaang minsan na rin binanggit ni Dustin sa isang panayam noong Agosto 2025 na si Bianca umano ang tumulong sa kaniya para mapagaan ang mabigat na journey sa PBB.
Maki-Balita: Dustin Yu, excited nang maligawan si Bianca De Vera