January 07, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Binalewala? Patutsada ng misis ni Marcelito Pomoy: ‘Disregarded in the Philippines, honored in other countries!’

Binalewala? Patutsada ng misis ni Marcelito Pomoy: ‘Disregarded in the Philippines, honored in other countries!’
Photo Courtesy: via ABS-CBN News, Marcelito Pomoy (IG)

Pinag-usapan sa social media ang tila pahaging umano ng misis ni Pinoy singer Marcelito Pomoy na si Joan matapos ang pagtatanghal ng mister sa NYE Celebration Party kung saan nakamayan pa nito si US President Donald Trump.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Biyermes, Enero 2, tila naglabas umano ng hinanakit si Joan sa pamamagitan ng social media post dahil sa pambabalewala raw ng Pilipinas sa mister.

“DISREGARDED in the Philippines!!! HONORED in other COUNTRIES!!!" saad ni Joan (published as is).

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, tila burado na ang post ni Joan. 

Tsika at Intriga

'Tay Kami naman!' Sen. Robin, push sa signature campaign suporta kay FPRRD

Itinanghal ni Marcelito sa nasabing pagtitipon ang classic song na “The Prayer.” Isa sa mga nakapanood nito ay ang presidente ng Amerika na noo’y kasama ang unang ginang.

“What a start of 2026! Marcelito has just performed to the President of the United States in Mar-a-Lago at the NYE Celebration Party,” mababasa sa isang Instagram post ng Pinoy singer.

Matatandaang si Marcelito ang grand winner sa “Pilipinas Got Talent Season 2” at kalaunan ay naging kalahok sa “America's Got Talent: The Champions” kung saan nakuha niya ang ikatlong pwesto.

Dahil sa husay niya sa pag-awit, binansagan siyang “A Man with a Golden Female Voice.”

Maki-Balita: Pinoy singer Marcelito Pomoy, nag-perform sa NYE Celebration Party, nakamayan pa si US Pres. Trump!