January 04, 2026

Home SHOWBIZ

Ayaw pahalata? Hirit ni Vice Ganda, pamilya ng mga politiko 'di nag-shopping noong holiday

Ayaw pahalata? Hirit ni Vice Ganda, pamilya ng mga politiko 'di nag-shopping noong holiday
Photo Courtesy: Screenshot from Vice Ganda (YT)

Nakatikim na naman ng pahaging mula kay Unkabogable Star Vice Ganda ang mga politiko kahit sa kasagsagan ng holiday season.

Sa latest episode ng vlog ni Vice kamakailan kung saan tampok ang kaniyang last-minute Christmas shopping, napansin niya na tila matumal na ang mga taong bumibili kumpara noong nakaraang taon.

“‘Yong mga pamilya ng mga politiko, hindi masyadong nagsa-shopping ngayon,” saad ni Vice.

Dagdag pa niya, “Ayaw nilang magpahalata. I’m sure online shopping sila.”

Pelikula

‘The legacy continues:’ 'Home Along Da Riles' magbabalik ngayong 2026!

Matatandaang naging mainit na usapin noong 2025 ang mga politiko at kamag-anak nilang pinapangalandakan ang kanilang yaman sa gitna ng sakunang humagupit sa Pilipina tulad ng bagyo.

Nagkaroon ng pagkondena sa ilang personalidad matapos matuklasan ang kaugnayan nila sa mga politikong sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Basahin: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'