Nagpaalam na sina Kapuso Sparkle artist Anton Vinzon at Star Magic artist Rave Victoria bilang housemate sa Bahay ni Kuya.
Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” nitong Sabado, Enero 3, lumitaw sa resulta ng botohan na sina Anton at Rave ang nakakuha ng pinakamababang porsiyento mula sa mga nominadong housemate.
Nakakuha si Anton ng 28.27% habang 30.82% naman ang kay Rave. Samantala, ang mga nakaligtas naman sa eviction ay sina Princess Aliyah, Ashley Sarmiento, Fred Moser, at Krystal Mejes
Matatandaang sina Anton at Rave na ang ikaapat na duo na lumabas sa Bahay ni Kuya.
Nauna nang nagbabu sa mga nakaraang episode sina Lee Victor at Iñigo Jose, Marco Masa at Eliza Borromeo, at Waynona Collings at Reich Alim.