January 26, 2026

Home BALITA

Rowena Guanzon, tumalak: 'Kulelat tayo sa turismo. Tapos adik pa presidente'

Rowena Guanzon, tumalak: 'Kulelat tayo sa turismo. Tapos adik pa presidente'
Photo courtesy: Rowena Guanzon (FB), BALITA FILE PHOTO

Tumalak si dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon tungkol sa mga dahilan kung bakit kulelat ang turismo ng Pilipinas. 

Ayon sa naging pahayag ni Guanzon sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Enero 2, sinabi niyang mahirap raw imarket ang Pilipinas sa mga banyaga bukod pa umano sa secretary ng Department of Tourism (DOT). 

“Kulelat tayo sa tourism hindi lang dahil palpak si secretary frasco at mas lalong di nakakatulong ang pagpapaskil ng pagmumukha niya sa kung saan saan kundi ang hirap hirap imarket ng pilipinas sa mga foreigner ngayon,” pagsisimula niya.

 

Trillanes, nagpasalamat kay Ogie Diaz matapos supalpalin si Belgica

Photo courtesy: Rowena Guanzon (FB), BALITA FILE PHOTO

Photo courtesy: Rowena Guanzon (FB)

Pag-iisa-isa ni Guanzon, sinasamantala raw ang mga dayuhan sa loob ng bansa habang hindi napoproteksyunan ng mga nakaupo. 

“Ang mahal mahal ng ticket, ang taas taas ang presyo ng bilihin, ang daming nanamantala porket dayuhan wala naman silang proteksyon dahil mga korap nakaupo,” pagdidiin pa niya. 

Dagdag pa niya, “[P]ero ang pinakamalaking issue ay hindi na sila feel safe dito sa atin dahil nagkalat nanaman ang kriminal sa daan.” 

Tila hindi rin napigilan ni Guanzon na magbigay pahayag tungkol kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Tapos adik pa Presidente,” pagtatapos ni Guanzon. 

Matatandaang umani ng reaksiyon sa social media ang isang Facebook post ng netizen kaugnay ng cover page ng umano'y libreng magasin ng DOT, kung saan makikita ang kalihim ng ahensiya na si Christina Frasco.

MAKI-BALITA: Photographer, tumalak sa DOT: 'Pinag-shoot n’yo kami ng Region 1 to Region 13 tapos eto lang pala ilalagay n’yo?!'

Sa nagba-viral na Facebook post ng nagngangalang "Max," tila ipinahayag niya ang umano'y pagkadismaya sa naging disenyo at nilalaman ng cover, matapos umano silang magsagawa ng malawakang photo at video documentation para sa DOT sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Ayon sa kaniya, mula umano sa Region 1 hanggang Region 13 ay nakuhanan nila ng larawan ang humigit-kumulang 320 tourist spot, na umabot umano sa 236,000 litrato at 6,500 video materials.

MAKI-BALITA: DOT, sumagot sa talak ng photographer: 'Entirely false and without factual basis'

Mc Vincent Mirabuna/Balita