January 04, 2026

Home SHOWBIZ

Rica Peralejo, umalma matapos pagbintangang nagnakaw ng ikapu

Rica Peralejo, umalma matapos pagbintangang nagnakaw ng ikapu
Photo Courtesy: Rica Peralejo (FB)

Bumwelta ang aktres na si Rica Peralejo matapos siyang paratangang nagnakaw umano ng ikapu sa simbahan.

Sa Threads post ni Rica noong Huwebes, Enero 1, ibinahagi niya ang screenshot ng pahayag ng isang nagngangalang “Agathon Topacio” mula sa TikTok. 

“If you steal the tithes, may balik talaga,” saad nito.

Sabi tuloy ni Rica, “Pasikatin ‘to si Agathon Topacio [from] Tiktok who keeps insinuating I use the money of our church. How can I use it when I have more money from all my years of work till present than my husband and the church?”

Mister ni Small Laude, itinanggi pagkakadawit sa mga ilegal na gawain

“Alam naman natin na hindi lang sya nag-iisip ng magandang narrative kaya hindi sya nakapili ng tamang ibato sa pagkatao ko pero I wanna know why kaya?” dugtong pa niya.

Sa huli, nanawagan ang aktres sa Threads na imbestigahan si Agathon kung bakit siya kinagagalitan nito.

Dagdag pa niya, “I have theories.One is projection.Yung iniwan namin for that reason ay malapit sa kanya.”