January 26, 2026

Home SHOWBIZ

Pinapanagot mga nasa tuktok ng kapangyarihan? Kara David, pinabulaanan New Year wish

Pinapanagot mga nasa tuktok ng kapangyarihan? Kara David, pinabulaanan New Year wish
Photo Courtesy: Kara David, Celebrity Buzz PH (FB)

Sinopla ni award-winning Kapuso broadcast-journalist Kara David ang umano’y hiling niya sa pagpasok ng Bagong Taon.

Sa isang Facebook post ni Kara noong Huwebes, Enero 1, ibinahagi niya ang screenshot ng post mula sa isang social media page na nagpakalat ng maling balita.

"My new year wish sana this time 'yong mga utak at mismong puno ang kunin naman ni San Pedro," mababasa sa pubmat ng Celebrity Buzz PH na anila’y sinabi umano ni Kara..

Pero anang broadcast-journalist, “This page is spreading false information about me. Please help me report this page.” 

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

“Celebrity Buzz PH kindly take down this post. I do not tolerate ‘fake news,’ dugtong pa niya 

Sa kasalukuyan, binura na ng Celebrity PH ang nasabing post. Pinasalamatan ni Kara ang lahat ng tumulong na i-report ito.

Matatandaang sa kalagitnaan ng kaliwa’t kanang isyu ng korupsiyon, naging matunog ang pangalan ni Kara matapos niyang hilingin na mamatay ang lahat ng kurakot sa mismong kaarawan niya.

Kaugnay na Balita: 'Sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!' birthday wish ni Kara David