Tila lungkot ang bungad ng 2026 para sa 3rd Big Placer Duo ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition na si Charlie Fleming matapos siya umanong manakawan.
Sa ibinahaging social media post ni Charlie noong Huwebes, Enero 1, 2026, sarkastiko pa niyang sinabing “Happy New Year” talaga, matapos manakaw sa kaniya ang kaniyang camera.
“BRUH SOMEONE STOLE MY CAMERA LAST NIGHTTT…Happy new year tlga :((,” saad ni Charlie sa kaniyang post.
Hiling pa niya, sana nga raw ay maibalik sapagkat mahal na mahal niya raw ang camera na iyon.
“Bruhhh sana ibalik i love that camera so much OR KAHIT PICS MN LNG MABALIKKKK WAHHHH dami ko cdo pics dun,” aniya.
Photo courtesy: Charlie Fleming/X
Nakisimpatya naman ang netizens matapos ang pagbabahaging ito ni Charlie. Anila, sana raw ay maibalik ang nawawalang camera ng dating PBB housemate.
“Please pakibalik”
“Oh no!!! I hope so, Sana ibalik naman. Nafufurstrate ako for you. I feel so bad.”
“Ibalik niyo. Sinasabi ko sa inyo!”
“oh naur charleeey ang photos sa mapple”
“Nahhh sayang ng cdo pics :>”
“NOOOO IBALIK NYO PLEASE:(“
“I really hope na mabalik ang camera, you've cherished it for a long time, especially sa mga pics mo nung nasa cdo ka pa”
Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa nagbibigay ng update si Charlie hinggil sa nawawala niyang camera.
Vincent Gutierrez/BALITA