January 07, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Nilabas na!’ Marco Gumabao, Yukii Takahashi mag-jowa nga ba?

‘Nilabas na!’ Marco Gumabao, Yukii Takahashi mag-jowa nga ba?
Photo Courtesy: Yukii Takahashi (IG)

Tila may namumuong ugnayan sa pagitan ng aktor na si Marco Gumabao at dating “FPJ’s Batang Quiapo” star Yukii Takahasi.

Sa isang Instagram post ni Yukii noong Huwebes, Enero 1, nagbahagi siya ng serye ng mga larawan kung saan makikita na isa sa mga ito ay kasama niya si Marco.

“[H]oliday recap ” saad ni Yukki sa caption.

Komento naman ni Marco, “"

Tsika at Intriga

'Tay Kami naman!' Sen. Robin, push sa signature campaign suporta kay FPRRD

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Bagay kaayu stay strong mga idol "

"OMGGGG IT'S YOU BOTH PALA NA NAKASALUBONG NAMIN SA EASTWOOD, YOURE SO STUNNINGGGGG!!!"

"pano na si mhie at mhie "

"sana lang talaga di ka masaktan "

"Wala na pala ni cristine reyes"

"Hard launch activated "

"Eyyyy nilabas na "

Pero sa kasalukuyan, wala pa namang inilalabas na pahayag ang dalawa para kumpirmahin o itanggi ang mga namumuong hinala ng publiko.

Matatandaang Agosto 2024 pa lang ay lumulutang na ang tsikang hiwalay na si Marco kay Cristine Reyes. Ilang beses din nilang in-unfollow ang Instagram account ng isa’t isa noong Abril 2025.

MAKI-BALITA: Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

Hanggang sa noong Hunyo 2025, naispatan si Marco na kasama niya ang aktres na si Barbie Imperial sa isang restaurant.

Maki-Balita: 'Anong relasyon?' Marco Gumabao, Barbie Imperial naispatang magkasama sa resto