January 09, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Never was!’ Elisse Joson, itinaggi pagiging kabit

‘Never was!’ Elisse Joson, itinaggi pagiging kabit
Photo Courtesy: Elisse Joson (FB)

Tinapos na ng aktres na si Elisse Joson ang intriga tungkol sa umano’y pagiging kabit niya.

Sa isang TikTok post ni Elisse noong Huwebes, Enero 1, mapapanood ang video niya habang nili-lip sync ang uso ngayong tugtog na Taco Truck x VB at Radio mashup.

“Goodbye 2025. Time to clear the air—not a kabit. Never was. 2026: minding my own business, building, and choosing peace,” mababasa sa text caption.

Dagdag pa niya, “Leaving false narratives in 2025. Entering 2026 lighter.”

Tsika at Intriga

Grace Tumbaga, 'unbothered' this 2026: 'Karma hits harder than revenge'

Matatandaang bago matapos ang 2024 naisyu si Elisse na nahuli raw siyang ka-MOMOL si Joshua Garcia sa Star Magical Christmas Ball.

Maki-Balita: Joshua at Elisse nahuli raw nagmo-MOMOL, McCoy galit na galit?

Bukod dito, tatlong buwan matapos ianunsiyo ni Elisse ang muling hiwalayan nila ng partner niyang si McCoy De Leon noong Hulyo, naging usap-usapan naman ang pagkakamabutihan umano nila ng basketball player na si Kobe Paras.

Maki-Balita: Elisse Joson, Kobe Paras nagkakamabutihan?

Gayunman, sa lahat ng isyung ito, walang kinumpirma o kinontra si Elisse.