Iniulat ng Department of Health (DOH) na nangunguna sa road crash injuries ang motorsiklo sa nagdaang holiday season.
Sa naturang ulat ng ahensya, umabot sa lima (5) ang patay sakay ng motorsiklo habang dalawa ang pedestrian, mula Disyembre 21, 2025 hanggang 5:00 AM nitong Enero 2, 2026.
Samantala, pumalo sa 1,113 ang kabuuang bilang ng road crash injuries mula sa mga petsang nabanggit. Mas mataas ito ng 82% kumpara noong 2024, ayon sa DOH.
Base sa datos ng 10 sentinel hospitals na binabantayan ng DOH, 135 sa kabuuang bilang ang may impluwensya ng alak, 965 naman ang hindi gumamit ng safety accessories gaya ng helmet at seatbelt, at 787 naman ang motorcycle road crash.