Umabot na sa higit 11,000 ang bilang ng mga nabiktima ng dengue sa Quezon City, mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2025, ayon sa tala ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD).
Sa kabuuang tala na 11,057, pinakamataas ang naitalang kaso sa ikalawang distrito ng QC, na mayroong bilang na 3,187; sinundan ito ng ikaapat na distrito sa 1,839; sa ikalimang distrito sa 1,597; sa unang distrito sa 1,368; sa ikatlong distrito sa 1,214; at sa ika-anim na distrito sa 1,852.
Sa buong bilang din ng lungsod, 48 mga residente na ang nasawi.
Kaya muling ipinaalala ng QCESD ang mga sumusunod na gawain para maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa dengue:
- Takpan at linisin ang mga drum, water tank, timba, at iba pang lagayan ng tubig na maaaring pamugaran at pangitlugan ng mga lamok.
- Ugaliing magsuot ng mga damit na mayroong mahahabang manggas at pantalon.
- Sa pagtulog naman ay gumamit ng kulambo at maglagay ng mosquito repellent para maiwasan ang kagat ng lamok.
- Kung makaranas ng sintomas ng dengue tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, o pananakit ng tiyan, agad na magtungo sa pinakamalapit na health center.
Sean Antonio/BALITA