New year, same God.
Bawat bagong taon, may “unspoken” pressure na maglista ng kanilang new year’s resolution.
Mula sa regular na pagpunta sa gym para sa malakas na pangangatawan, hanggang sa pagbawas ng shopping apps sa phone para mas malaki ang maipon na pera, lahat ng tao, may gustong baguhin sa kanilang buhay.
“Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig.” - Mga Kawikaan 19:21
Bilang Kristiyano, mahalagang tandaan na ang mga bagay na may basbas ng Panginoon ay mas nagtitibay dahil ang mga plano na binuo lamang sa sarili nating lakas ay limitado lamang din sa ating kakayahan, ngunit ang mga bagay na inilalatag sa Kaniya ay may pabor na higit pa sa pag-intindi natin (Mga Kawikaan 3: 5-8).
Habang hindi palaging madali ang mga susunod na araw, isipin mo na lang din na sa kabila ng mga nangyari sa buhay mo sa kakadaan lang na 2025, umabot ka pa rin sa 2026.
May layunin pa rin ang Diyos para sa’yo, at hindi ka Niya pababayaan para makumpleto ang bagay kung saan ka Niya tinawag na gawin.
“Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan.” - Mga Awit 32:8
Hindi ka Niya iniwan noong 2025, mas lalong hindi ka Niya hahayaan malugmok sa hirap at mga pasakit ng buhay sa 2026, dahil pangako Niya na kung sino man ang magtiwala at kumapit sa Kaniya ay hindi mapapagod at manghihina (Isaias 40:31).
Kaya sa pagpasok ng bagong taon, pagtibayin ang pananampalataya at tandaan na hindi mo kailangan pasanin ang buhay mo mag-isa.
Kasama mo ang Panginoon mula sa pagpaplano hanggang sa makumpleto mo ito, at marami pa Siyang nakahanda sa’yo sa mga susunod na araw, linggo, at buwan ng 2026.
“Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” 1 Corinto 2:9
Sean Antonio/BALITA