January 06, 2026

Home BALITA

CBCP, pinaalalahanan mga Katoliko na magtiwala sa biyaya ng Panginoon

CBCP, pinaalalahanan mga Katoliko na magtiwala sa biyaya ng Panginoon
CBCP News/Website

Pinaalalahanan ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang mga mananampalatayang Katoliko na magtiwala sa biyaya ng Panginoon.

Ito'y sa kabila aniya ng mga hamong kanilang kinakaharap.

Ayon kay Garcera, maraming hamon ang maaaring kaharapin ng publiko sa pagpasok ng Bagong Taon.

Gayunman, sa kabila aniya ng mga naturang hamon at pagsubok, tiniyak ni Garcera sa publiko na patuloy pa rin silang makakatanggap ng biyaya mula sa Panginoon.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

“Haharap tayo ngayon sa Bagong Taon 2026 at maraming hamon sa atin. Pero nakasisiguro tayo na napakaraming biyayang nakalaan para sa atin,” ani Garcera, sa kanyang New Year's Message para sa mga Katoliko.

“Magtiwala tayo sa biyaya ng Diyos,” dagdag pa niya.

Hinikayat din niya ang publiko na patuloy na magtiwala sa Panginoon, sa pamamagitan ng panalangin.

“Magtiwala tayo sa biyaya ng Diyos, ipagpatuloy ang dasal,” aniya pa.

Sinabi pa ng CBCP president  na kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon, inuobserbahan rin ng Simbahang Katoliko ang kataimtiman ng Birheng Maria.

Inirerekomendang balita