January 11, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Andrea Brillantes, kasama rumored boyfie sa pagpasok ng 2026

Andrea Brillantes, kasama rumored boyfie sa pagpasok ng 2026
Photo Courtesy: Franchesko Juan Capistrano (IG)

Tila masaya ang New Year celebration ni dating Kapamilya star Andrea Brillantes dahil kasama niya ang rumored boyfriend niyang si Franchesko Juan Capistrano.

Sa Instagram story ni Franchesko noong Huwebes, Enero 1, makikita ang larawan nila ni Andrea na kuha sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Bagama’t walang anomang caption na nakalagay, nakalapat naman bilang background music "I Love You Secretly" ng American vocal group na The Miracles.

Samantala, sa isang hiwalay na IG story, makikita naman ang larawan kung saan kasama nina Andrea at Franchesko ang pamilya ng huli. 

Relasyon at Hiwalayan

‘Pwera usog!’ Andrea Brillantes, flinex na ang bagong jowa

“Happy new year,” mababasa sa text caption.

Ayon sa mga ulat, galing umano si Franchesko sa angkan ng mga negosyante sa Lucban. Miyembro siya ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at manlalaro ng Enderun Titans at San Juan Knights.

Matatandaang basektbolista rin ang lalaking naugnay kay Andrea noong Pebrero na si Samuel “Sam” Fernandez, isang Filipino-Jordanian varsity basketball player mula sa San Beda University. 

Maki-Balita: Pink na bulaklak ni Andrea, ibinida; galing sa basketbolista?