January 08, 2026

Home BALITA National

4 na bagong pangalan ng bagyo, ipinalit sa mga bagyong nagdulot ng matinding pinsala noong 2022

4 na bagong pangalan ng bagyo, ipinalit sa mga bagyong nagdulot ng matinding pinsala noong 2022

Kabilang sa listahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang apat na bagong pangalan ng bagyo, na ipinalit sa mga bagyong nagdulot ng matinding pinsala noong 2022.

Sa ibinahaging pahayag noon ng PAGASA, naka-set na ang mga pangalang ipapangalan nila sa mga papasok na bagyo sa Pilipinas. May nakahanda na silang 25 na pangalan at 10 auxiliary set names sakaling lumagpas sa 25 ang papasok na bagyo. 

Kapag daw ang isang pangalan ng bagyo ay nagdulot ng matinding pinsala, kung saan 300 o higit pa ang namatay at isang bilyon at higit pa ang halaga ang nasira dahil dito, inaalis na ng PAGASA sa listahan ang pangalan nito upang hindi na ulitin sa mga susunod na taon at hindi na rin maalala at magdulot pa ng trauma sa mga tao ang sigalot na idinulot ng naturang bagyo. 

Ang bagyong Agaton, Florita, Karding, at Paeng ay nagdulot ng matinding pinsala noong 2022, kung kaya't sila ay papalitan na ng Ada, Francisco, Kiyapo, at Pilandok. 

National

11M bata, target mabakunahan sa Ligtas-Tigdas Vaccination ngayong Enero

Narito ang kabuuang listahan ng mga pangalan ng bagyo sa Pilipinas ngayong 2026: ALAMIN: Mga pangalan ng bagyo ngayong 2026