January 08, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Babaihan na? Awra Briguela, naurirat kung nagte-take na ba siya ng hormones

Babaihan na? Awra Briguela, naurirat kung nagte-take na ba siya ng hormones
Photo courtesy: Awra Briguela (FB)

Nilinaw ng showbiz at social media personality na si Awra Briguela ang tanong ng isang netizen kung nagsimula na ba siyang mag-take ng hormones bilang bahagi ng kaniyang transition.

Marami na kasing nakapapansing tila humuhugis-babae na si Awra, sa latest photos na ibinahagi niya.

"No matter who I was… I choose who I’m becoming," caption niya sa social media post kalakip ang mga larawan niya, noong Miyerkules, Disyembre 31.

Sa comment section ng isang TikTok post, isang netizen ang nagtanong kung nagpapa-hormones na raw ba siya, na agad namang sinagot ni Awra.

Tsika at Intriga

'Tay Kami naman!' Sen. Robin, push sa signature campaign suporta kay FPRRD

Ayon sa kaniya, hindi pa siya nagsisimulang uminom o gumamit ng anumang hormones sa ngayon dahil kailangan pa niyang kumpletuhin ang kaniyang mga laboratory tests.

Binigyang-diin din ni Awra na mahalaga sa kaniya ang pagiging ligtas at maayos ng buong proseso.

"I haven’t started yet. I’m not taking any hormones for now because I need to complete my lab tests first so my endocrinologist can prescribe what’s best for me."

"I’ll start this January, and it feels like the perfect time to begin transitioning as the year starts. I just want to make sure my transition is safe and healthy," aniya pa.