January 01, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Zack Tabudlo, nagpabango muna bago bumaba sa stage

Zack Tabudlo, nagpabango muna bago bumaba sa stage
Photo Courtesy: Screenshots from _hiyeah (TikTok)

Idinaan na lang sa biro ng singer-songwriter na si Zack Tabudlo ang pang-iintriga ng publiko tungkol sa umano’y amoy niya.

Sa isang TikTok post kamakailan, mapapanood ang kuhang video kung saan maririnig ang hirit ni Zack habang nasa entablado sa ginanap na Marikina Year-end concert.

“Bababa ako mamaya pero kailangan ko munang magpabango, e. Medyo maasim daw, e," sabi ni Zack saka nag-spray ng pabango sa katawan.

Matatandaang nagsimula ang isyu tungkol sa amoy ni Zack nang magtanghal siya sa ginanap na UST Paskuhan 2025. 

Tsika at Intriga

Dennis Trillo, tinawag na bading: 'Eh ano naman... may problema ka?'

Batay sa ibinahaging video clip ng UST Tiger Radio, mapapanood ang singer-songwriter na lumapit sa crowd na nasa barikada habang tagaktak ang pawis sa suot niyang gray shirt na naging dahilan para gawan ng isyu ang amoy niya.

Maki-Balita: Maasim daw? Zack Tabudlo, inintriga amoy sa UST Paskuhan 2025

Matapos ito, sumagot si Zack sa naturang intriga sa pamamagitan ng isang 4-minute video.

"We're all human at the end of the day. Lahat tayo tumatae, lahat tayo pinagpapawisan, lahat tayo nagkakamali sa buhay. Being nice isn't hardest to do. Be nice, guys,” anang singer-songwriter.

Maki-Balita: ‘Lahat tayo pinagpapawisan!’ Zack Tabudlo, sumagot na sa intriga tungkol sa ‘amoy’ niya