Matagal na umanong hinihikayat ni showbiz insider Ogie Diaz ang dati niyang alagang si Unkabogable Star Vice Ganda na magkaroon ng sariling anak.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Miyerkules, Disyembre 31, naungkat ni Mama Loi ang tungkol sa lagi umanong bilin ni Ogie kay Vice.
“Di ba noong-noon pa, ikinukuwento mo na sa akin na ini-encourage mo si Meme Vice na magkaroon ng sariling anak?” usisa ni Mama Loi.
“Oo,” sagot ni Ogie, “sa pagkakatanda ko ‘yon ang lagi kong sinasabi sa kaniya. At alam naman niya ‘yan. Noon-noon pa.”
Dagdag pa niya, “Siyempre ang rason ko kung bakit ko siya gustong magkaanak at magkaroon ng sariling anak e dahil 'sayang ‘yong utak mo. Sayang ‘yong genes mo,' sabi ko sa kaniya.”
Ito ay matapos nilang mapag-usapan ang speech ni Vice sa nagdaang Gabi ng Parangal 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) nang parangalan bilang Best Actor.
Matatandaang binaggit ni Vice sa nasabing speech ang tungkol sa matagal na niyang pangarap na magkaroon ng anak kasama ang jowang si Ion Perez.
Maki-Balita: Nag-sorry! Vice Ganda at Ion Perez, taon-taon parang 'namamatayan' ng anak