Pumanaw na si Dueñas Vice Mayor Aimee Paz Lamasan kasunod ng isinagawang operasyon sa kaniya nang aksidente umano niyang mabaril ang sarili noong Martes, Disyembre 30.
Maki-Balita: Dueñas Vice Mayor, nabaril sarili niya sa tiyan
Kinumpirma ito mismo ni Dueñas Mayor Robert Martin Pama sa isang Facebook post nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 31.
"Sa hirap at ginhawa upod gd ta pirmi… ikaw pirmi karamay ko sa tanan nga bagay… pinaka close ko nga vice mayor… sakit sakit gd… asta sbng nd pa ko magbaton nga wala ka na… kita ya close gd brother and sister… there is no goodbyes between us… see you in the next life… i know ululupod man kita gyapon," ani Pama.
"RIP sa pinalangga ko nga Vice Mayor," dagdag pa niya.