May panawagan ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo matapos matunton ng kapulisan ang kinaroroonan ng missing bride.
Kaugnay na Balita: Erpat ng missing bride, isiniwalat sinabi sa kaniya ng nahanap na anak
Sa isang Facebook post noong Martes, Disyembre 30, hinimok niya ang publiko na isunod na ang paghahanap sa nawawalang pera ng mamamayan.
“Hanapin naman natin ‘yong mga nawalalang pera ng mamamayan. #HappyNewYear,” saad ng aktor.
Dagdag pa niya sa isang hiwalay na post, “Ok na,Nahanap na yung missing bride! Oh sino na next na ikukulong???”
Hindi ito ang unang beses na nagpahaging si Dennis sa gitna ng talamak na isyu ng korupsiyon sa gobyerno.
Matataldaang sa isang Facebook post noong Oktubre ay naghayag siya ng pagkadismaya sa tila mabagal na usad ng hustisya para panagutin ang mga sangkot sa katiwalian.
Maki-Balita: ‘Wala pa ring nananagot!' Dennis Trillo, napa-thumbs down kawalan ng resulta sa korupsyon