January 08, 2026

Home FEATURES Trending

'Mas marami pa akong maletang ipapadala!' Geodetic engineer couple, sinorpresa ni 'Zaldy Co' sa kasal

'Mas marami pa akong maletang ipapadala!' Geodetic engineer couple, sinorpresa ni 'Zaldy Co' sa kasal
Photo Courtesy: Screenshot from RPFilmworks (FB)

Tila nasorpresa ang geodetic engineer couple na sina Christian at Cariza sa paglitaw ng AI-generated na si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa kanilang kasal.

Sa latest Facebook post RPFilmworks Reels noong Martes, Disyembre 30, mapapanood ang AI-generated video ni Co na nagbigay ng mensahe sa newly-wed couple. 

"Christian and Cariza, congratulation sa inyong kasal. Nawa'y ang pagsasama n'yo ay kasing-tibay ng kontrata. Walang atrasan, walang back out," saad ni Co.

Dagdag pa niya, "After ng kasal n'yo, mas marami pa akong maleta na ipapadala sa inyo. Ipapa-deliver ko na lang. Kayo na ang bahala."

Trending

ALAMIN: Bakit ‘historic’ ang MMFF 2025?

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Iba to, may pa special guest HAHAHAHA"

"hahhahahaha hanep"

"Big-time ung guests nila ahh,, malemaleta ung pakimkim nang ninong nila"

"Hindi naman cguro magkakaso kampo ni zaldy co... Katuwaan lang naman yung pag gamit ng ai..."

"Lupet hahaha taba talaga ng utak mga rek solid"

"Mas maganda sana kung presidente with ngiwi! "

"Witty ng transitions at humor "

"kaya ang daming takot magshoot sa inyo boas Ron Paredes eh. ang babaliw nyo kasi mag Wedding SDE hahaha."

“Astig..creative...pati yung unang background song Suno yata ginamit..kudos sa Team..."

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 11K reactions at 662k views ang naturang video.

Matatandaang isa si Co sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects na kasalukuyang nagtatago sa ibang bansa at deklaradong “fugitive from justice.”

Maki-Balita: Sandiganbayan, idineklarang ‘fugitive from justice’ si Zaldy Co!