Tila ikinatuwa ng netizens ang bagong uploaded na video ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ayon sa kaniya, siya mismo ang nag-edit at bumuo.
Ayon sa inupload na video ni Sotto sa kaniyang Facebook account nitong Miyerkules, Disyembre 31, ibinida niya ang 10 mga programa at proyektong natapos at nakamit nila sa siyudad ng Pasig.
“Mabilisan ko lang ginawa itong video. Pasensya na dahil bukas, walang mag-eedit ng video,” pagsisimula ni Sotto sa naturang video.
Photo courtesy: Vico Sotto (FB)
Sa video, inisa-isa ni Sotto ang sumusunod na mga programa at proyektong natapos sa Pasig City:
Pilot Rollout Social Pension for Bedridden PWDs
Muling pagbubukas ng Pasig City Museum
Good performance ng Pamantasang Lungsod ng Pasig
Batang Pinoy Back-to-Back Champions
Giting ng Pasig 15-0
Most Improved City Council
Subaybayani Award
Inauguration of Magakor Elderly Care Facility
Inauguration of Cardiac Cath Lab
Pasigpass X National ID
Top 2 City - Ratio of Locally Sourced Revenues to Total Current Operating Income
Sa kabila ng mga ito, tila mas pinagpiyestahan at kinulit pa ng netizens ang asul na background at resulta ng pag-eedit ni Mayor Vico Sotto. Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ng alkalde:
“Okay. Group two get ready”
“Halata nga pong walang mageedit hahahaa”
“Our king of Blue Screen”
“Hnhty q tlga ung exit mayor”
“Best Visual Effect for Yr 2025”
“Thank you Group 1, Okay next reporter... Group 2 na ba.... Charz lang mayor”
“Cute ng no. 5 may background music out of no where.”
“Yung hindi ako resident ng Pasig pero tinapos ko talaga yung video tapos feeling proud pa ko hehehe”
“Parang horoscope for 2026. Hahahaha. Love you, Mayor”
“Medyo maputla nak. Hahaha at pawis na pawis ka pa ata sir kakamadali pero kudos Happy New Year! Para kang nag Myx top songs year end eme. Hahah”
Matapos nito, sumagot naman ulit si Sotto sa mga taong nakapanood ng video niya.
“Guys paglilinaw ‘remove background’ lang yan na ginawang blue ang bg. Hindi yan blue screen na chroma key. Masyado naman kayo na amaze at isa pa po pasensya pawis ako sobrang init kasi sa kwarto ko nung nag record ako,” saad niya.
MAKI-BALITA: 'Sarah, Curlee Discaya, tinuruan n’yo mga anak n’yong magnakaw!'—Mayor Vico Sotto
MAKI-BALITA: Mayor Vico, nag-react sa umano'y pag-dirty finger ni Sarah Discaya sa reporter
Mc Vincent Mirabuna/Balita