Hindi pa man tuluyang nakakapasok ang 2026, tila sinuwerte agad ang lotto winner mula sa Quezon City!
Nasolo ng lucky winner ang ₱19,004,723.60 premyo ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Disyembre 30.
Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination ng Lotto 6/42 na 06-32-29-24-37-04.
Dagdag pa nila, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Brgy. Unang Sigaw, Balintawak, Quezon City.
Pinayuhan naman ng PCSO ang lucky winner na upang makubra ang kaniyang premyo ay magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City.
Kailangan din nitong iprisinta ang kaniyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.
Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng P10,000 ay papatawan ng 20% tax sa ilalim ng TRAIN Law.
Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa ng pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa. H
inikayat din ni PCSO General Manager Mel Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games upang mas marami pa silang matulungang kababayan natin na nangangailangan.
Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.