Pinasalamatan ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang mga patuloy na sumusuporta at nagtitiwala lalo na umano kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa naging pahayag ni Pulong sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Disyembre 31, 2025, pianahalagahan niya ang mga taong naninindigan pa rin para sa mga pamilyang Duterte hanggang sa pagpasok ng 2026.
“Sa pagpasok ng 2026, una sa lahat—daghang salamat sa bawat Pilipino na patuloy na naninindigan, sumusuporta, at nagtitiwala sa pamilya Duterte,” pagsisimula niya.
Photo courtesy: Congressman Paolo “Pulong” Duterte
Dagdag pa niya, “Salamat sa inyong pagtitiwala, sa inyong boses, at sa inyong tapang kahit maraming ingay, paninira, at pamumulitika.”
Ani Pulong, mas nagpapasalamat siya sa patuloy na nagmamahal at rumerespeto sa kanilang ama.
“Most especially, we thank you for your continued love and respect for our father, former President Rodrigo Roa Duterte,” aniya.
Diin niya, alam daw ng mga taong sumusuporta pa rin kay FPRRD ang tunay na ipinaglalaban nito.
“Hanggang ngayon, ramdam pa rin namin ang suporta ninyo—dahil alam ninyo kung ano ang kanyang ipinaglaban: disiplina, malasakit sa ordinaryong tao, at tapang sa harap ng problema,” saad niya.
“Hindi perpekto, pero totoo. Hindi palaging popular, pero may prinsipyo,” ‘ika pa niya.
MAKI-BALITA: Rep. Pulong, nag-'no' sa 2026 General Appropriations Bill
MAKI-BALITA: Trillanes sa ICI kung ‘di iimbestigahan si Rep. Pulong, Go: 'Magsara na kayo!'
Mc Vincent Mirabuna/Balita