January 04, 2026

Home BALITA National

Pag-asa ng bayan! SP Sotto kinilala kabataan sa pagpupugay kay Rizal

Pag-asa ng bayan! SP Sotto kinilala kabataan sa pagpupugay kay Rizal
Photo courtesy: Vicente Tito Sotto (FB), MB

Kinilala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pag-asa na hawak ng kabataang Pinoy bilang pagbibigay-pugay sa ika-129 kamatayan ni Dr. Jose Rizal, ngayong Martes, Disyembre 30. 

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” pagbati ni Sotto sa kaniyang Facebook post. 

Ani pa ng Senador, ito ang araw para gunitain ang naging paninindigan ng bayani sa kahalagahan ng edukasyon, integridad, at lubos na pagmamahal sa bayan. 

“Ngayong araw, ginugunita natin si Dr. Jose Rizal—isang bayani na nanindigan para sa edukasyon, integridad, at tunay na pagmamahal sa bayan,” saad ni Sotto. 

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Sa kaugnay na ulat, hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kabataan na isabuhay ang mga naging prinsipyo ni Rizal, at tapat  na manilbihan para sa bayan. 

“May this commemoration inspire every Filipino—especially the youth, whom Rizal so dearly cherised—to pair patriotism with responsible citizenship so that we can be of better service to the country,” ani PBBM. 

MAKI-BALITA:  Lalo mga bagets! PBBM, umapelang isabuhay si Rizal para sa 'responsible citizenship'

Hiling naman ni VP Sara Duterte sa mga Pinoy na patuloy manindigan sa katotohanan at katarungan, katulad ng mga aral sa mga akda ni Rizal. 

“Huwag nating hayaang mamatay ang diwa ng karunungan at pagkakaisa. Ang tunay at pangmatagalang pagbabago ay nagsisimula at nagmumula sa malalim na pag-aaral, moral na integridad, at sama-samang pagkilos sa ating komunidad at mga institusyon,” ani VP Sara. 

MAKI-BALITA: VP Sara sa tunay na aral ni Rizal: ‘Paglaya sa pang-aabuso, pagkawatak-watak, kasamaan’

Sean Antonio/BALITA