Muling nanawagan ng panalangin sa publiko si Queen of All Media Kris Aquino kasabay ng pagbabahagi ng isang masakit na karanasan sa gitna ng nagdaang Pasko at papalapit na Bagong Taon.
Sa isang emosyonal na pahayag na ibinahagi sa Instagram story, inilarawan ni Kris ang Christmas–New Year break bilang “heartbreaking,” at tahasang nagtanong, “Kakayanin ko pa ba?” habang humihingi ng dasal mula sa mga tagasuporta.
"The Christmas–New Year break has been “heartbreaking” – kakayanin ko pa ba? Prayers please, i’m sorry for asking again," aniya.
Photo courtesy: Kris Aquino/IG via Fashion Pulis
Aniya, paumanhin daw kung muli siyang humihiling ng panalangin, subalit mabigat ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya.
Kalakip ng Instagram story, makikitang nakaratay pa rin sa isang kama si Krissy kasama ang bunsong anak na si Bimby Aquino Yap, na parang may iniinda ring sakit.
Photo courtesy: Screenshot from Kris Aquino/IG
Matatandaang matagal nang bukas si Kris sa publiko tungkol sa kaniyang patuloy na laban sa mga autoimmune condition. Sa pagkakataong ito, ikinabahala rin ng publiko ang kalagayan ni Bimby matapos makita ang larawan, bagama’t hindi nagdetalye si Kris tungkol sa pinagdaraanan ng anak.
Kamakailan lamang, naispatan siyang nagtungo sa birthday party ng kaibigang fashion designer na si Michael Leyva, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Kaugnay na Balita: Namataang kasama si FL Liza! Urirat ng netizens, 'Okay na ba si Kris Aquino?'
Ito ang huling update ni Kris sa lagay ng kalusugan bago matapos ang 2025.