January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

Dueñas Vice Mayor, nabaril sarili niya sa tiyan

Dueñas Vice Mayor, nabaril sarili niya sa tiyan
Photo courtesy: MB, Pexels

Nakitaan ng tama ng bala sa tiyan si Dueñas Vice Mayor Aimee Paz Lamasan matapos niyang mabaril ang sarili, 7:00 ng umaga  nitong Martes, Disyembre 30. 

Base sa kumpirmasyon ni Iloilo City Police Office (ICPO) Director PCol. Kim Legada, tinitingnan nila ang posibilidad ng “accidental firing.” 

Ayon pa kay Legada, naganap ang umano’y insidente sa bahay ni Lamasan sa distrito ng La Paz, Iloilo, habang nag-eempake ito papunta sa Dueñas. 

Sa kasalukuyan, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente, habang stable na ang lagay ni Lamasan sa ospital. 

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Sean Antonio/BALITA