January 11, 2026

Home BALITA Probinsya

‘Grabeng lamig!’ Temperatura sa Benguet, patuloy pagbagsak sa 9.6°C

‘Grabeng lamig!’ Temperatura sa Benguet, patuloy pagbagsak sa 9.6°C
Photo courtesy: DENR via MB, PIA Benguet (FB)

Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang record-breaking na pinakamababang temperatura sa  La Trinidad, Benguet, ngayong Martes, Disyembre 30. 

Ayon sa tala ng PAGASA BSU Agromet Station, bumagsak sa 9.6°C ang temperatura sa Benguet, na pinakamalamig na tala sa Amihan season ng 2025-2026. 

Base pa sa tala ng ahensya, sumunod ang Baguio City sa mga lugar na nakararanas ng malalamig na temperatura, sa 14.2°C, ang Casiguran, Aurora sa 19.0°C, Laoag City, Ilocos Norte sa 20.2°C, at Basco, Batanes sa 20.5°C.

Sa kaugnay na ulat, makikita sa social media ng Philippine Information Agency (PIA) Benguet na nagyelo ang ilang mga halaman at bulaklak sa Paoay, Atok, dala ng patuloy na paglamig ng klima. 

Probinsya

Pumaldo! Uwak, dinagit ₱10k na pa-bonus ng isang mayor!

Matatandaan din na binanggit ng PAGASA noong Lunes, Disyembre 8, na inaasahan pang bumaba sa 7.9°C ang temperatura sa mga susunod pang linggo, bunsod ng Amihan. 

MAKI-BALITA: 'Mas lalamig!' Temperatura, posibleng bumaba ng 7.9°C

KAUGNAY NA BALITA: 12.1°C, naitala sa La Trinidad, Benguet; amihan, inaasahang mas palalamigin pa ang panahon

Sean Antonio/BALITA